^

Punto Mo

Weh, totoo? Ice Cream Flavorology

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUNG may astrology, may katapat naman itong Ice Cream Flavorology. May kinalaman daw sa iyong pagkatao ang paborito mong flavour ng ice cream. Huling bahagi na ito ng walong flavors. Ang naunang flavors na nailathala kahapon ay Coffee, Butter Pecan Nut, Chocolate Chip, at Double Chocolate Chunk.

Mint chocolate chip

Ambisyoso, praktikal at may tiwala sa sariling kakayahan. Naniniwala siya na ang masusing pagpaplano sa buhay ay nagdudulot ng matibay na pundasyon sa kinabukasan. Tumatagal ang kanyang relasyon, romantic o friendship, dahil sa kanyang loyalty at honesty. Romantically compatible kay Mint Chocolate Chip Lovers.

Rocky road

May charming personality, friendly at praktikal. Kung siya ay isang negosyante, gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto. Sensitive siya sa criticism. Mas tinatanggap niya ang “words of encouragement” kaysa kritisismo. Romantically compatible sa kapwa Rocky Road fans.

Strawberry

Thoughtful at logical person na tinitimbang muna ang mga options bago gumawa ng final decisions. Kapag umibig, asahan mo ang kanyang katapatan. Romantically compatible kina Rocky Road, Mint Chocolate Chip at Vanilla Lovers.

Vanilla

Masayahin, makulay ang personalidad at mas pinagkakatiwalaan      ang kanyang kutob kaysa logic kapag gumagawa ng desisyon. Sa pag-ibig, gusto niya ay binubusog ng  karelasyon ang kanyang emotional needs. Halimbawa, type na type niyang nag-a-I love you sa kanya araw-araw ang kanyang “loves”. Romanticaly compatible sa Rocky Road fans.

 

BUTTER PECAN NUT

CHOCOLATE CHIP

DOUBLE CHOCOLATE CHUNK

ICE CREAM FLAVOROLOGY

MINT CHOCOLATE CHIP

MINT CHOCOLATE CHIP LOVERS

ROCKY ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with