^

Punto Mo

Luho ng mga mambabatas

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGLAWAY ang publiko sa nabunyag na malaking bonus at iba pang benepisyo na ipinamudmod ni Senate President Juan Ponce Enrile noong kapaskuhan sa mga senador at may dagdag pa raw na P1 milyong pondo.

Napapanahon ang hamon ni Sen. Miriam Defensor Santiago na busisiin ng Commission on Audit ang allowances at iba pang pondo na kontrolado ng Senate president at iba pang pinuno ng ahensiya ng gobyerno.

Importante ito dahil pera ito ng taumbayan na dapat ingatan at tiyaking nasa tama ang paggastos. Sa ngayon ay normal na ang mga benepisyong tinatamasa ng mga senador at kongresista kaya nga maraming nais na kumandidato.

Tama si Santiago na maisapubliko rin ang mga gastusin ng Senado at House gayundin ang iba pang departamento para malaman ng taumbayan kung saan napupunta ang ibinabayad na buwis. Madalas pa namang mag-imbestiga ang mga senador sa mga anomalya  kaya dapat maalis ang pagdududa sa paglustay ng pondo.

Sana maglabas ng detalye si Enrile upang malinis din siya sa anumang akusasyon sa umano’y maluhong paggastos ng pondo ng Senado. Hindi ito puwedeng balewalain dahil sangkot ang pondo ng bayan.

Sa totoo lang, maraming empleyado ng ibang departamento ang naiinggit sa mga empleyado ng Senado dahil sa napaka­laking cash gift (P100,000) na tinanggap ng mga ito. Kaya naman maraming empleyado ang pabor at kampi kay Enrile dahil sa pagiging galante nito sa mga empleyado sa pagbibigay ng bonus at galante rin mismo sa mga kapwa senador.

Sana ay huwag ituring ni Enrile na siya ay pinepersonal kung pagdudahan ang paglalabas niya ng pondo dahil ito ay pera ng taumbayan. Responsibilidad ng mga opisyal ng gobyerno na magpaliwanag at ibunyag ang detalye ng gastusin kung hinihingi ng pagkakataon.

ENRILE

KAYA

MADALAS

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NAPAPANAHON

SANA

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with