^

Punto Mo

Bagong modus

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

Mga Pare’t Mare, ingatan ang inyong mga bulilit dahil may bagong modus ang mga sindikato ngayon!

Isang liham ang natanggap ko tungkol sa isang babaeng namamasyal sa isang mall sa Makati. Nagpaalam umano ang kanyang anak na limang taong gulang na babae na magsi-CR lamang. Hinayaan niya ang bata sapagkat malapit lamang ang CR at tanaw lamang niya. Lumipas ang 15  minuto ay hindi pa rin lumalabas ang kanyang anak. Kinabahan siya kaya pumasok na sa banyo. Tinawag ang pangalan ng anak at nang hindi sumagot ay inisa-isa ang bawat cubicle pero wala ang bata.

Binaybay ng ina ang mga kalapit na tindahan at baka naman­ ay nagkasalisi lamang sila ng anak ngunit wala talaga. Tumawag na siya ng security upang hingin ang kanilang tulong sa paghahanap sa kanyang anak. Sa puntong ito ay tumawag ang ina sa isang kaibigang ninang din ng bata na ang tirahan ay sa di kalayuan. At sa daan ng ninang papunta sa mall, napansin niya ang dalawang batang nasa kinse anyos na may bitbit na isa pang maliit na bata. Napatitig siya sa nasabing bata dahil maputi at makinis ang balat nito. Hindi naman mukhang nanlilimos. At para bang may bumulong sa kanyang ito ang inaanak niya, isinigaw niya ang pangalan. At akalain mo nga namang lumi­ngon ang bata at umiyak. Dali-daling bumaba ng sasakyan ang ninang at inagaw ang kanyang inaanak na pasakay na sana ng dyip bitbit ng dalawang binatilyo. Halos hindi mamukhaan ang kanyang inaanak dahil ginupit ang buhok nito at marungis. Binihisan ng punit-punit na damit na mistulang palaboy. Dinala niya ang bata sa mall sa ina nito at hindi magkamayaw ang ina sa pag-iyak nang masilayan ang anak.

Ito naman ang bagong modus: Dadampot ng bata sa mall at isasakay sa isang van kung saan doon babaguhin ang hitsura - bibihisan ng maruming damit, uulingan ang mukha at gugupitin ang buhok upang mag-ibang anyo sila. Matapos ang make-over sa nasabing van ay dadalhin naman­ sila sa isa pang grupo na magdidispatsa sa mga bata sa mga kalsada upang sila ay mamalimos.

Nakakapanindig balahibo nang mabasa ko ang sulat na ito. Nakakatakot na kahit sa mamahaling mall ay nakakapasok na ang mga ganitong sindikato at nakakalusot pa sa security.

Sa mga nanay at tatay, dagdagan ang pag-iingat sa mga anak kapag nasa pampublikong lugar. Kahit pa may yaya sila ay huwag basta-bastang iiwan dahil malingat lang ng kaunti o mag- text lang si yaya habang hindi kayo nakatingin, lagot at baka ibang kamay na ang hawak ng anak ninyo.

Mag-ingat sa pagpasyal sa weekend! Wala nang ligtas na lugar ngayon!

vuukle comment

ANAK

BATA

BINAYBAY

BINIHISAN

DADAMPOT

DINALA

HINAYAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with