^

Punto Mo

Amerikanong senador dinalaw ng 3 angels

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GRABENG stroke ang tumama kay Illinois senator Mark Kirk isang taon na ang nakararaan. At ayon sa kanya, kakaibang karanasan ang nasaksihan niya habang nakaratay sa North­western Memorial Hospital sa Chicago. Hindi raw niya malilimutan ang pangyayari.

Ayon kay Kirk, nang nasa Intensive Care Unit (ICU) siya nang makita ang tatlong anghel na nakatayo sa paanan ng bed niya.

“Gusto mo bang sumama sa amin?” tanong umano ng isa sa mga anghel. “Hindi,” sagot ni Kirk. Nang tanungin daw niya kung ano ang nangyari sa kanya, sabi raw ng anghel may pumutok daw sa kanyang utak at iyon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Pero sabi ni Kirk, hindi siya sasama sa mga ito.

Ang karanasan ni Kirk ay halos katulad din ng naranasan ng may 8 milyong tao sa America na umano’y muntik nang mamatay. May mga nakakita ng maliwanag na tunnel, nakalutang sa alapaap at nakaranas ng euphoria at di-maipaliwanag na katiwasayan ng isipan.

Si Senator Kirk ay 28 taon na sa pulitika at ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pangyayari sa buhay.

vuukle comment

AYON

INTENSIVE CARE UNIT

KIRK

MARK KIRK

MEMORIAL HOSPITAL

NANG

NIYA

PERO

SI SENATOR KIRK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with