^

Punto Mo

Mga sikat ngayon,

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

 â€¦kinawawa noong araw

NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:

MADONNA

Noong siya ay nasa high school, mga lalaki ang nangbu-bully sa kanya. “Hairy monster” ang tawag sa kanya. Siya lagi ang pinagtitripang pagtawanan. Sabagay, kasalanan din naman ni Madonna. Pinili niyang maging kakaiba kumpara sa mga girls ng kanilang school.

Ang mga kaklase niyang babae ay nagpapaganda, laging naliligo at naglilinis ng katawan, nagme-make-up at kumikilos nang mahinhin upang makaakit ng prospective boyfriend. Si Madonna, iba ang “trip” sa buhay. Kabaliktaran ang kanyang ginagawa: hindi siya nagme-make-up; hippie lang ang porma niya (’yung tipong hindi naliligo), at ang nakakaloka, hindi siya nag-aahit ng kili-kili kaya siya bininyagan ng “hairy monster”.  Katwiran niya, “Gusto kong maiba”.

Tapos isang araw ay may nakilala siyang bading na isang ballet teacher. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nakaunawa sa kanyang mga “trip”.  Ipinakilala siya ng bading sa community of artist na kagaya niya ay may kanya-kanyang “uniqueness” sa kanilang personalidad. Sila ang nagpamulat sa kanya na “It’s good and okey to be different”. Ang grupong ito ang nagdala sa kanya patungo sa kanyang pagiging entertainer.

 

IPINAKILALA

KABALIKTARAN

KATWIRAN

NOONG

PINILI

SABAGAY

SI MADONNA

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with