^

Punto Mo

Mga sikat ngayon…kinawawa noong araw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:

LADY GAGA

Bigla na lang daw siyang bubuhatin ng mga kaklaseng lalaki at ilalagay sa basurahan na nasa kalye. Pagtatawanan siya ng mga kaklaseng babae kaya makikitawa rin siya. Hindi raw niya naiisip na kinakawawa siya ng mga kaklaseng lalaki. Ang akala niya ay nakakatulong siya na magpasaya ng mga kaklase. Sa paulit-ulit na pagtatapon sa kanya sa basurahan ay saka nag-sink in sa kanya na “bullying” na ang ginagawa ng mga kaklase sa kanya. At malalim raw ang sugat na idinulot ng masama niyang karanasan. Ang paghanga na ibinibigay sa kanya ng mga fans ang unti-unting nagpahilom ng kanyang sugat.

CHRIS COLFER (Gumaganap na bakla sa Glee)

Ang pambu-bully na ginawa sa kanya ay hindi pisikal na pananakit kundi emosyunal. Pero palaban siya at hindi basta nagpapatalo. Ito ang ikinaiba niya sa ibang biktima ng bullying. Halimbawa, bigla siyang sisigawan ng isang kaklase ng “faggot”­! Pero bigla rin niyang sisigawan ng “ Yeah! But can you spell it?”. Ang nangyayari tuloy, sa halip na siya ang mapahiya, yung kaklase niya na hindi alam ang spelling ng faggot ang pinagtatawanan. Ang role niya sa Glee bilang bakla ay malapit sa totoong buhay kaya hindi na niya kailangang mag-exert ng effort sa acting.

(Itutuloy)

BIGLA

GUMAGANAP

HALIMBAWA

ITUTULOY

NIYA

PAGTATAWANAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with