^

Punto Mo

Init ng yakap

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MIYEMBRO ng isang organization ng kanilang unibersidad si Geli. Isang panahon ng Kapaskuhan, binisita nila ang isang bahay ampunan upang mamigay ng regalo sa mga batang ulila.  Bukod sa pagsasagawa ng games, mayroon din silang story­telling activities. Si Geli ang naatasang magkuwento ng Christmas Story. Ikinuwento niya sa mga bata ang tungkol kay Mary at Joseph na nagtungo sa Bethlehem. Ngunit pagsapit ng gabi na kailangan na nilang magpahinga, wala silang matuluyang paupahang bahay para tulugan dahil puno na ito ng mga bisita. Sumasakit na ang tiyan ng buntis na si Mary kaya wala silang pagpipilian kundi makituloy sa silungan ng mga pastol at alaga nilang mga hayop. Kaya nang ipanganak si baby Jesus, sa sabsaban siya pinahiga nina Mary at Joseph.

Upang matesting ni Geli ang imahinasyon ng mga bata, pinadrowing niya sa mga ito ang eksena kung saan nakahiga si baby Jesus sa sabsaban. Magaganda ang drowing ng mga bata na nilagyan pa ng kung anu-anong simbolo ng Pasko sa paligid ng sanggol na nasa sabsaban. Ngunit isa ang nag-stand out, ang drowing  ng walong taong gulang na si Buchukoy. Dalawang bata ang nakahiga sa sabsaban, si Baby Jesus at isang malaking bata na inamin ni Buchukoy na siya iyon. Ipinakuwento ni Geli kay Buchukoy kung paano nangyari iyon.

Ito ang paliwanag ni Buchukoy: “Kapag malapit na po ang Pasko, nagiginaw ako sa pagtulog kahit na may kumot. Kawawa naman si Jesus na nag-iisang nakahiga sa sabsaban, siguradong nagiginaw din siya kagaya ng aking nararam­daman kaya tatabihan ko na lang siya para  mainitan. Wala po akong pambili ng gift kagaya ng tatlong Hari na may naibigay na regalo kay Baby Jesus. Yakap na lang po ang ireregalo ko sa kanya.”

Pigil na pigil ang emosyon ni Geli. Gusto niyang lumapit kay Buchukoy at yakapin ito nang mahigpit. Ulila rin siya at galing sa bahay ampunan. Mas masuwerte lang siya kay Buchukoy dahil baby pa lang siya ay may umampon na sa kanya.

BABY JESUS

BUCHUKOY

BUKOD

CHRISTMAS STORY

GELI

NGUNIT

PASKO

SI GELI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with