^

Punto Mo

Editoryal - Imbestigasyon na naman sa jueteng

Pang-masa

PAULIT-ULIT na lang ang isyu sa jueteng. Magkakaroon ng imbestigasyon. Magkakaroon ng inquiry. Magkakaroon ng mga pagbalasa sa mga police official na sangkot umano sa jueteng. Magkakaroon ng mga bagong strategy para raw mamatay na ang jueteng. At kung anu-ano pa. Pero wala at wala rin. Hindi rin nalupig ang jueteng at lalo pa ngang lumawak at dumami ang nakikinabang. Marami ang nagkamal ng pera sa illegal na sugal na ito.

Ngayon nga may mga imbestigasyon na namang gagawin ukol sa jueteng. At sabi ni Local Government secretary Mar Roxas, wala raw sasantuhin ang gagawing imbestigasyon ngayon. Ang isasagawang imbestigasyon ay kaugnay sa expose ni Mayor Ricardo Orduna ng Bugallon, Pangasinan kay Pangasinan Governor Amado Espino na tumatanggap ito ng P10-milyon buwan-buwan mula sa jueteng. Ayon kay Orduna umaabot umano sa P900-milyon ang tinatanggap ng governor. Mariin namang itinanggi ni Espino ang paratang ni Orduna. Pulitika raw ang nasa likod ng expose ni Orduna. Matagal na umano niyang ipinatigil ang jueteng sa kanyang lalawigan. Noon pa raw ang isyung ito ukol sa jueteng.

Maglilimang buwan na sa puwesto si Roxas bilang DILG chief. At ngayon lamang tila nagkakaroon ng pagyanig sa kanyang tanggapan at jueteng na naman ang isyu. Sa panahon ng namayapang DILG secretary Jesse Robredo, jueteng din ang mainit na isyu kung saan ay maigting ang kanyang kampanya laban dito. Marami siyang nakabangga. Sa Naga City, mahigpit ang kanyang kampanya sa jueteng kaya hindi ito namayagpag doon. Pero nakamatayan na ni Robredo ang paglaban sa jueteng at patuloy pa rin sa maraming lugar sa bansa. Maihahalintulad sa cancer na naka­kalat na sa katawan.

Sana nga ay walang sasantuhin si Roxas sa imbestigasyon sa jueteng. Dapat mayroon siyang ipakitang matindi bilang DILG chief. Ituloy niya ang naumpisahan ni Robredo na paglupig sa jueteng. Hindi sana pawang imbestigasyon ang mangyari sa kasalukuyang jueteng expose.

vuukle comment

GOVERNOR AMADO ESPINO

JESSE ROBREDO

JUETENG

LOCAL GOVERNMENT

MAGKAKAROON

MAR ROXAS

MARAMI

MAYOR RICARDO ORDUNA

ORDUNA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with