^

Punto Mo

Katapusan ng mundo

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

MARAMING natatakot sa 12-12-12 sapagkat end of the world na raw. Kung binabasa mo ito ngayon, hindi pa katapusan. Isa pang petsang pinangangambahan ay ang 12-21-12. May tatama raw na malaking bulalakaw sa mundo at mabubura ito sa solar system.

Ang pinagbasehan ng teoryang ito ay ang kalendaryo ng Mayan civilization. Hihinto raw ito sa araw na ito at muling magsisimula ngunit may malaking kaganapan na mangyayari upang magsimula ang bagong kelandaryo.

Hindi tayo dapat naniniwala sa prediksiyong ito. Una, dahil ang tao ay tao lamang, at di tulad ng Diyos na alam ang lahat ng pangyayari bago pa man tayo. Limitado lamang ang kaisipan ng tao, gayundin ang kayang maarok nito. Ikalawa, walang kapangyarihan ang taong malaman ang hinaharap. Ikatlo, maraming prediksiyong hindi naman nagkatotoo. Katulad ng Y2K. At sa tuwing hindi ito magaganap ay laging mayroong back-up prediction. Parang ang hulang ito na end of the world, sa 12-12-12 at kung hindi mangyari ang the end ay sa 12-21-12 naman. The fact na walang konkretong hula ay sapat na upang pag-isipan natin ang espekulasyong ito. Panghuli, sa tuwing may mga numerong paulit-ulit sa petsa ay laging nilalagyan kaagad ng kulay. Ang 10-10-10 noong 2010, ang 11-11-11 noong 2011 at ngayon naman ang 12-12-12.

Kung ang Bibliya naman ang pagbabasehan, ang ipinangako ni Hesus ay magbabalik Siya. Ito ang pinaka-malaking kaganapang dapat nating asahan at hindi ang isang malaking pagsabog na susupil sa mga tao. Mahal tayo ng Diyos at tanging Siya lamang ang nakaaalam kung may katapusang magaganap.

 “Fear not for I am Here,” Sabihin na nating mayroon ngang end of the world, wala tayong dapat ipangamba kung alam nating naririyan Siya.

Relax, Pare’t Mare. Beautiful days are yet to come.

BIBLIYA

DIYOS

HESUS

HIHINTO

IKALAWA

IKATLO

ISA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with