^

Punto Mo

Editoryal - Bilibid or Not na naman!

Pang-masa

PARANG eksena sa pelikula ang pagtakas ni Ozamis­ robbery gang leader Ricky Cadevero sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Sabado ng umaga. Ayon sa mga pulis, tatlong lalaki na nagpanggap na bisita at abogado ni Cadavero ang dumating. Nagtungo sa Reception and Diagnostic Center (RDC) ang tatlo. Nang makapasok sa RDC ang tatlo, pinaputukan ng mga ito ang guwardiyang nagdala kay Cadavero. Mabilis umanong nakapagpalit ng damit si Cadavero. Inalis ang prison clothes para hindi makilala. Tumakas sila sakay ng dalawang motorsiklo. Nakipagbarilan pa sila sa Daang Hari gate ng reservation. Humaharurot ang motorsiklo at iglap lang, nawala na sa paningin sina Cadavero.

Naghihimutok ang mga pulis sa Southern Police District (SPD) sapagkat gumugol sila nang oras, pagod, hirap para lamang madakip ang lider ng Ozamiz group at sa isang iglap ay makakatakas lamang sa kamay ng mga taga-NBP. Ang lahat nang kanilang pagsisikap para mahuli ang notorious na lider ay nasayang. Si Cadavero at mga kasama nito ang nangholdap sa Alabang Town Center noong nakaraang Setyembre kung saan dalawang security guard ang nasugatan. Ayon pa sa SPD, nahirapan silang hanapin si Cadavero at ngayon ay natitiyak nilang mas lalo pang magiging madulas ang lider ng mga magnanakaw.

Ayaw deretsahin ng SPD ang pagkukulang ng NBP kaugnay sa pagtakas ni Cadavero pero hindi naman ito maitatago sapagkat sunud-sunod ang nagyayaring kapalpakan sa pambansang bilangguan. Kamakailan, isang inmate ang nakapaghagis ng granada sa kalabang gang kung saan ay anim ang nasugatan. Kinidnap din sa loob ng NBP si convicted murderer Rolito Go at nagbayad umano ng ransom kaya nakatakas. Marami ring VIPs (Very Important Prisoners) sa NBP na ginagawang bakasyunan lang ang bilangguan. May dating gobernador na nakakalabas sa NBP para bisitahin ang kanyang office sa Makati.

Wala nang aasahang pagbabago sa NBP kung hindi aalisin mula itaas pababa ang mga opisyal at tauhan. Kailangang linisin ang maruming NBP! Kakahiya!

ALABANG TOWN CENTER

AYON

CADAVERO

DAANG HARI

NBP

NEW BILIBID PRISONS

RECEPTION AND DIAGNOSTIC CENTER

RICKY CADEVERO

ROLITO GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with