Pekpek Shorts Collection
Isauli mo ang ‘stove’!
(Tinawag na Pekpek shorts collection ang mga kuwentong ilalathala sa edisyong ito dahil kagaya ng nabanggit na shorts, ang kuwento ay napakaikli.)
Noong kasikatan ni Zsa Zsa Gabor sa mundo ng Hollywood, naging panauhin siya sa isang TV show na nagbibigay ng payo sa mga manonood tungkol sa buhay may asawa. Nag-iimbita ang programa ng mga sikat na artista upang sila ang magbigay ng payo sa mga letter senders. Narito ang problema ng isang dalaga na ang liham ay binasa ni Zsa Zsa:
“Ako ay nakatakdang ikasal sa isang mayamang 30 taon ang tanda sa akin. Gusto kong umurong sa kasal dahil mukhang tatay ko na siya. Kaya lang ay nahihiya akong magsabi na ayaw ko dahil marami na siyang nairegalo sa akin—mamahaling damit, fur coat, diamond ring and necklace, Rolls Royce at stove. Ano po ang dapat kong gawin?”
Maikling-maikli lamang ang sagot ni Zsa Zsa na kilala rin sa kanyang witty and humorous remarks. “Simple…walang kuwentang regalo ang stove kaya iyon ang isauli mo sa kanya!”.
Mahalagang bagay tungkol kay Zsa Zsa: Siyam na beses siyang nag-asawa. Pito ang diniborsiyo niya at isa ang annulled. Ang ika-9 na mister ang hanggang ngayon ay kasama niya at hindi pa hinihiwalayan. Sumikat siya noong 1950s. Mga 95 years old na siya ngayon.
- Latest