^

Punto Mo

‘Pekpek Shorts’ Collection

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(“Pekpek shorts” ang slang na salita sa shorts na sobrang ikli at umaabot hanggang kasingit-singitan ng ‘flower’. Ito ang naisipan kong itawag sa mga koleksiyon ko ng dagli o ma­bilisang kuwento dahil maikling-maikli lamang ito.)

 

Ang Maestra ni Kate Winslet

Si Kate Winslet ang gumanap na leading lady ni Leonardo DiCaprio sa Titanic noong 1997. Noong nag-aaral pa, lagi siyang pinag-iinitan ng kanyang maestra. Mainit na mainit ang dugo nito sa kanya. Nararamdaman ni Kate na lagi itong humahanap ng “butas” para siya mapagalitan at ipahiya sa harap ng kanyang mga kaklase. Ang totoo ay ito ang pinakamalungkot niyang karanasan noong bata pa.

Artista na siya at sikat na nang makita niya ang maestrang ito sa isang mall minsang namimili silang mag-ina. Ang maestra ay isa na ngayong saleslady sa cosmetic section. Naramdaman ng mommy ni Kate na may kamalditahan siyang binabalak sa dating maestra kaya pinigilan siya nito. Pero itinuloy pa rin ni Kate ang paglapit.

“Hello…”, bati ni Kate sa dating maestra.

Tinitigan muna siya ng maestra mula ulo hanggang paa at saka sumagot nang hindi man lang ngumingiti, “Oh, mukhang asensado ka na!”

“Yes, artista na ako… at ikaw naman ay nagtitinda ng make-up.”

Tinitigan ni Kate ang maestra. Mata sa mata. At saka muling nagsalita. “Actually, nilapitan kita para pasalamatan… for being such a bitch—because it made me stronger!”

 

vuukle comment

ANG MAESTRA

ARTISTA

KATE

KATE WINSLET

MAESTRA

MAINIT

SI KATE WINSLET

TINITIGAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with