^

Punto Mo

Lampong(120)

Pang-masa

NAGTAWA nang nagtawa si Jinky makaraang sabihin na mahiyain talaga si Dick. Si Dick naman ay hindi mapakali. Baka ikuwento ni Jinky kay Puri ang tungkol sa nangyari sa banyo noon na nakita niyang hubu’t hubad ito.

“Bakit mo nasabing mahiyain si Dick, Jinky?”

“Basta mahiyain si Tito Dick. Hindi siya tulad ng ibang makapal ang mukha.’’

“Ah, ibig mong sabihin ay makinis ang ugali niya. Pino siyang kumilos, ganun?’’

“Yap!’’

“Ah akala ko e kung ano na kaya mo nasabing mahiyain si Dick.’’

“Palagay ko suwerte ka kay Tito Dick, Tita. Palagay ko lang ha?”

“Talagang suwerte ako rito. Di ba Dick?”

Tumango lang si Dick.

“Sige Jinky, umalis ka na nga sa harapan namin at wala kaming magawa, ha-ha-ha!”

Umalis si Jinky na nagtatawa. Mabuti at hindi sinabi ang nangyari sa banyo. Maski siya ay hindi na ikukuwento kay Puri iyon. Baka masama ang isipin ni Puri na bakit nakita niyang naliligo si Jinky. Kahit pa si Jinky ang nagpapakita ng motibo, maaaring ang isipin ni Puri ay siya (Dick) ang may gusto. Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang pagsasama nila ni Puri. Magkasundo naman sila ni Puri at wala silang problema. Hindi niya sisirain ang pagtitiwala ni Puri. Lalabanan niya ang anumang tukso na maaa-ring ilatag ni Jinky. Kung hindi siya umalis noong nakita niyang naliligo ito nang hubu’t hubad, baka natangay siya. Mabuti at nalabanan niya ang tukso. Kung hindi, baka wasak na ang pagsasama nila ni Puri.

“Anong iniisip mo Dick?”

“Ha? Ah wala. Meron lang ako naisip kaya ako natigilan.’’

“Halika na sa kuwarto. Baka magdaan na naman sa harapan natin si Jinky ay maudlot na naman ang balak mo. Alam ko, matagal ka nang gigil.’’

Nagtawa si Dick. Ito ang gusto niya kay Puri. Nababasa ang kanyang mga nararamdaman.

“Halika na!”

Hinila siya ni Puri sa kamay patungo sa kuwarto. Nang hindi sinasadya ay napalingon siya at nakita niyang nakasilip sa pinto si Jinky. Nakangiti sa kanya. Ano kayang ibig sabihin ni Jinky at nakasilip? Parang may iniisip na kung ano si Jinky.

Pumasok na sila ni Puri sa kuwarto. Bahala si Jinky sa buhay niya!

(Itutuloy)

DICK

HALIKA

JINKY

PALAGAY

PURI

SI DICK

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with