^

Punto Mo

10 dahilan ng insomnia (Last part)

DIKLAP - Pang-masa

VI. Makalat ang kuwarto

Ayon sa American Psychological Association,  nakakagulo ng isipan ang makalat na kuwarto. Huwag ilagay ang computer sa bedroom. Natuklasan ng mga Japanese researchers na ang liwanag mula sa monitor ay pumipigil sa katawan natin na mag-produce ng melatonin. Ito ang hormone na responsable para tayo antukin.

VII. Nagkalat na liwanag sa bedroom

Kahit ang kapirasong liwanag na nagmumula sa alarm clock, street lamp, DVD player ay nakakaabala sa pagtulog dahil pumasok pa rin ito sa retina kahit ka nakapikit. Gumamit ng eye mask para maharangan nito ang liwanag na papasok sa mata.

VIII. Sensitive sa ingay

Kahit ang hulog ng karayom ay naririnig. Ayon kay Thomas Roth, director ng Sleep Disorders and Research Center ng Henry Ford Hospital sa Detroit, ang mahinang ugong (white noise) ng electric fan o aircon ay nakakatulong para mapagtakpan nito ang ingay na masakit sa tenga o nakakagulat. Ang totoo, hindi ingay ang nakakagising kundi ang pabago-bagong tunog na pumapasok sa tenga—maingay tapos mamaya tahimik. Kung ang white noise na tinatawag ang consistent na maririnig, ito ay hindi makakaabala sa natutulog.

IX. Maraming “dust mites” sa higaan

Lumang higaan ang madalas pinamamahayan ng dust mites. Hindi ka makatulog dahil sa kakakamot dulot ng dust mites. Kung nabubura na ang print ng inyong kutson, oras na para palitan ito.

X. Pinatutulog ang pets sa kuwarto.

Ipinapayo ng mga veterinarian sa United Kingdom, na hindi healthy na patulugin sa inyong bedroom ang alagang pets. Marami ngayong lumalabas na zootic diseases (sakit na nagmumula sa hayop tapos ay lumilipat sa tao), halimbawa ay SARS at Hendra virus. Hindi lang “sleep problem” ang idudulot ng inyong pets kundi mas seryosong sakit. Mabuti na ang nag-iingat.

AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION

AYON

GUMAMIT

HENDRA

HENRY FORD HOSPITAL

HUWAG

KAHIT

SLEEP DISORDERS AND RESEARCH CENTER

THOMAS ROTH

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with