^

Punto Mo

Lampong ( 112)

Pang-masa

NAGKUBLI sa may haligi si Dick. Hindi na siya makaatras para lu­mabas dahil makikita siya. Minabuti niyang huwag kumilos sa kinakublihan at pinanood ang ginagawa ng dalawa.

Inaaninaw ni Dick kung ang lalaking katalik ni Jinky ay yung nakita niya noon na kahalikan nito. Nagulat si Dick sapagkat maputi ang lalaki – tisoy. Guwapo. Ibang klase rin si Jinky at mag-iipon yata ng anak na iba-iba ang ama.

Hanggang sa mamangha si Dick nang makitang pumaibabaw si Jinky sa lalaki. Grabe ang kaelyahan ng babaing ito! Saka ay narinig ni Dick ang daing ni Jinky. Parang nahihirapan pero hindi naman. Masyadong eskandalosa ang pamangkin ni Puri.

Paano kaya ang sasabihin niya kay Puri? Hindi naman niya agad masasabi kay Puri ang nasaksihan at baka big­lang mag-hysterikal. Baka kung ano ang gawin kapag nalaman na iba na naman ang katalik ni Jinky.

Hanggang sa mapansin ni Dick na wala nang ginagawa ang dalawa. Tumigil ang daing. Tapos na ang pagtatalik.

Ipinasya ni Dick na dahan-dahan nang kumilos para lumabas ng unit. Baka makita pa siya ni Jinky ay magkaroon ng problema.

Nakalabas si Dick. Nakahinga siya nang maluwag.

“Whew!” nasabi niya Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin kay Puri. Tiyak na tatawagan siya nito. Ma­ngungumusta.

Tama ang hula niya. Kinagabihan, tumawag si Puri mula Cagayan de Oro.

“Dick anong balita diyan­?”

“Okey naman.”

“Pinuntahan mo ba unit ko?”

“Oo. Okey naman.”

“Salamat Dick.’’

“Oks lang, Puri.’’

“Mamayang gabi, puntahan mo uli ha? Kasi nag-aalala ako kay Jinky. Kung matulog yan ay mantika. Baka hinahakot na ang mga gamit ay tulog pa rin. Puntahan mo uli, Dick ha, please!”

“Oo sige.”

“Salamat Dick!”
Na­tapos ang usapan nila ni Puri.

KINAGABIHAN, nagtungo siya sa unit ni Puri. Iinspeksiyunin uli niya ang unit.

(Itutuloy)

DICK

GRABE

HANGGANG

JINKY

OO

PURI

SALAMAT DICK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with