‘P4.38-B income grows ng PAGCOR sa first 3Qs ng 2012’
HINDI na mapigil ang paglago ng kita ng Phillipine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat Jr. P4.38 BILYON ang nalikom ng PAGCOR sa isang malaking paglago ng kita nito sa loob lamang ng first three quarters ngayon 2012. Naitala ng ahensya ang ‘gross income’ nitong katapusan ng Setyembre na umabot sa malaking halagang P31.16 bilyon, samantalang P26.78 bilyong kabuuang kita nito para sa parehong panahon ng taong 2011. “This means that since the start of the year, our revenue has been growing at an average of close to half a billion pesos a month or roughly P1.5 billion every quarter,” iniulat ni PAGCOR Chairman at CEO Naguiat Jr. Ang pinakamalaking panahon ng pag-unlad ay dumating sa PAGCOR mula sa sariling pagpapatakbo ng mga laro. “The winnings from our gaming facilities nationwide continue to be the biggest contributor to PAGCOR’s coffers. In fact, we generated winnings of P21.04 billion from the table games and slot machine operations of our casinos and arcades as of end September 2012. This is far higher by P3 billion compared to the P18 billion winnings we earned from our gaming operations from January to September 2011,” dagdag pa ni Chairman Naguiat. Mula sa pagsusuri, ang mga pangunahing casino ng PAGCOR-post ay kumabig ng P14.92 bilyon. Samantala, ang mga satellite, arcade at VIP Club ay nakabuo ng kita sa mga lalaro ng mahigit P6.12 bilyon. Nagkamit din ang PAGCOR ng P9.45 bilyon mula sa iba pang mga kaugnay na serbisyo at sources tulad ng ‘regulatory fees’ na kinokolekta sa mga licensed casinos at income share mula sa iba pang mga gaming activities tulad ng e-games, commercial bingo at poker. Ang halaga ay mas malaki ng halos P1.12 bilyon mula sa bilang noong 2011. Ayon kay Chairman Naguiat ang PAGCOR sa panahon ng unang siyam na buwan ng taon, “is proof that our operations can stay afloat despite the presence of private casinos. We accomplished this by bringing our strengths into play. We expanded our operations, and we provided our clientele with better gaming amenities, better shows and better marketing promos.” Bukod sa lumalago nitong mga kita, ang PAGCOR din ay may malaking iniambag sa pagbuo ng ating komunidad. Mula Enero hanggang Setyembre ng taong 2012 ang remittances sa mandated beneficiaries ay may kabuuang P16.15 bilyon. “This was much higher by P3.35 billion compared to the P12.79 billion contributions allocated to nation building in the same period of 2011,” sinabi ng PAGCOR Chair.
Ang kontribusyon ng estado na pag-aari ng state-owned gaming para sa nation building nitong three quarters ng taong 2012 ay ipinamamahagi sa mga sumusunod: P1.05 bilyon sa form ng 5% franchise tax sa Bureau of Internal Revenue; P9.99 bilyon na kumakatawan sa 50% ng share ng Gobyerno kung saan ay direktang ibinibigay sa National Treasury; P499 milyon bilang 5% na share ng Philippine Sports Commission; P367 milyon sa casino host-cities para sa kanilang iba’t ibang mga proyekto para sa komunidad; P1.74 bilyon para sa Social Fund ng Pangulo; P2 bilyon bilang direktang tulong sa mga socio-civic na mga proyekto; P21 milyong kumakatawan sa 1% na share sa Board of Claims; at P456 milyon para sa iba pang mga kontribusyon (payment of Corporate Income Tax to the BIR and Sports Incentives). Sinabi ni Chairman Naguiat na ang PAGCOR ay patuloy na susuportahan ang pamahalaan sa lahat ng mga hakbangin upang paunlarin ang buhay ng mga Pilipino. “This is the reason why we engage in Corporate Social Responsibility (CSR) projects that go beyond what is expected of PAGCOR. The school buildings project, the P-noy Bayanihan initiative together with the DepEd, DENR and TESDA, the Kasibulan project in partnership with the Philippine Football Federation (PFF), the E-kawayan program, our Pamaskong Handog annual gift-giving activity… all of these address primal concerns of ordinary Filipinos,” wika nito.
“Tinutulungan natin ang mga kabataang Pinoy na matupad ang kanilang mga pangarap. Nagbibigay tayo ng kabuhayan pagkakataon Sa ating mga kababayan. Tinutugunan ulit-ulitin natin ang simpleng pangarap ng ating mga kapus-palad na mga kababayan,” ayon kay Chairman Naguiat.
“We are here to help our government attain its dreams for our countrymen. We will always stay true to our mission of making a difference in the lives of our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang pag-unlad ng isang malaking kumpanya tulad ng PAGCOR ay maituturing na isang tagumpay hindi lamang sa administrasyong Aquino kundi para na rin sa ating bansa. Sa kanilang pag-angat hindi nila kinakalimutan ang pagtulong sa iba’t ibang programang pangkabuhayan, ‘sports at mga foundations’ na talagang nagbibigay ng bagong pag-asa at buhay sa mga tao. Isa na namang matamis na tagumpay at papuri para kay Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat at sampu pa ng kanyang mga kasama sa malaking income grows ng PAGCOR sa first 3Qs ng 2012 .
(KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213263166 / 09198972854/ 09213784392. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes mula 9am-5pm.
- Latest