Asar ka na sa bilbil mo?
Okey, try mong inumin ang mga sumusunod para lumiit ang tiyan mo:
1. Malamig na tubig. Base sa German study, ang pag-inom ng at least 2 basong malamig na tubig per day ay nakakadagdag ng bilis ng metabolism ng mga 30 percent.
2. Gatas. Ang calcium na matatagpuan sa gatas ay may kakayahang tumunaw ng fats cells. Uminom ng isang baso araw-araw.
3. Green Tea. Ito ay may catechins na nagpaparami ng (Norepinephrine), isang metabolism-increasing brain chemical. Kaya kapag uminom ng isang tasang green tea araw-araw, may pag-asang matunawan ka ng 70 calories per day or mabawasan ang timbang mo ng 3 to 7 lbs per year.
4. Apple Cider Vinegar. Nililinis nito ang liver at ang malusog na liver ay nakakatulong upang matunaw ang fat cells sa buong katawan. Kapag uminom ng 2 teaspoons cider vinegar (sundan ng pag-inom ng tubig) bago kumain, ang fats na kakainin ay ilalabas kaagad ng katawan (sa pamamagitan ng ihi o dumi) bago pa man ito masipsip ng digestive system.
5. Soy or Wheat Protein Shakes. Ang protein sa liquid form ay mas mabilis umipekto sa katawan kaysa solid protein (karne, itlog, etc). Habang tinutunaw ng protein ang fat cells, pinipreserba naman at pinatitibay nito ang muscle.
- Latest