^

Punto Mo

Reiki

WANNA BET - Pang-masa

NITONG nagdaang mga araw, naging matunog ang pangalang Sarah Samantha Rubin – ang tanyag na energy healer at dream analyst. Dahil naintriga ako sa panayam sa kanya tungkol sa pananaw at interpretasyon niya sa mga sakit ng tao base sa energy at pagbasa ng mga kahulugan ng panaginip, nanaliksik ako upang lumawak ang pang-unawa sa Reiki.

Sabi ni Sarah, ang mga karamdaman natin ay negatibong enerhiyang naiipon sa katawan o stress. Ang mga ito ay dapat na mailabas upang guminhawa ang pakiramdam at lubusang guma­ling. Halimbawa, ang ubo ay senyales ng negatibong enerhiyang naiipon sa may leeg, gitna ng dibdib at bibig. Isa umano sa mga dahilan ng pagkakaroon ng ubo ay ang mga bagay na hindi natin masabi. Mistulang bumabara ang mga salita at emosyon sa bahagi ng leeg at dahil hindi nae-express ito kaya nabubuo ang ubo. If you think about it, maaaring may katotohanan nga. Base naman sa aking research, nakalap ko ang sumusunod na depinisyon ng Reiki Healing bilang isang uri ng natural na pamamaraan ng pagpapagaling sa mga pisikal, emosyonal, mental at espiritwal na sakit at stress ng katawan sa pamamagitan ng tinatawag na “Universal Life Force Energy.”

Mas gusto ko ang mga ganitong uri ng pagpapagaling kaysa pag-inom ng gamot. Mas takot ako sa gamot dahil alam kong kahit tama ang lahat ng gamot na iniinom ay maaaring may mali silang chemical reaction sa isa’t isa. Gayundin ang takot ko para kay Gummy lalo na at bata pa siya. Kaya nga homeopathic remedies ang uri ng mga gamot na ibinibigay ng kanyang pediatrician. Mga gamot na gawa sa mga halaman, gulay at mga sangkap na nahahanap sa ating mga tahanan at kusina. At panghuli, naniniwala akong stress ang pangunahing papatay sa atin at hindi ang anumang sakit. Kaya dapat iwasan ang stress. Walang mawawala kung susubukan ang mga alternatibong paggamot tulad ng Reiki.

Sa interpretasyon ng mga panaginip, sinabi ni Sarah na may mga general definitions ang dreams, ngunit ang mismong nanaginip ang makapagbibigay ng lubos na kahulugan dahil ito ay base sa kasalukuyang kaganapan at estado ng ating buhay. Ayon sa kanya, ang ating mga panaginip­ ay may taglay na mensahe para sa atin.

Napapansin n’yo bang sa halip ng mga technological advancements ngayon, pa-high tech na nang pa-high tech ang mga bagay pero parang ibinabalik tayo sa sinauna? Sa old school? Sa tradisyunal? Wake up call ba ito sa atin na maging grounded at bumalik sa ating roots?

AYON

DAHIL

GAYUNDIN

HALIMBAWA

KAYA

REIKI

REIKI HEALING

SARAH SAMANTHA RUBIN

UNIVERSAL LIFE FORCE ENERGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with