^

Punto Mo

‘Mga modus sa daan’

BITAG - Pang-masa

IBA’T IBANG modus ang muli na namang naging aktibo sa daan ngayong papalapit na ang Kapaskuhan. Kakapusan sa pera ang itinuturong dahilan kaya nagagawang manloko at manlamang sa kapwa ng mga kawatan sa lansangan.

Alamin at tandaan ang iba’t ibang mukha ng mga modus sa daan upang maiwasang maging biktima.

Kung ikaw ay sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, kuwidaw sa mga pasaherong maaaring miyembro ng “Dura Gang”. Modus ng mga ito na ipitin ang kanilang bibiktimahin sa loob ng sasakyan. Duduraan ng isa sa mga ito ang balikat ng biktima at sa sandaling mabaling na dito ang atensiyon ng kanilang target, saka nila isasagawa ang pandurukot dito.

Ganito rin ang estilo ng “Laglag Barya Gang” pero ang pinagkaiba, barya naman ang ipinapain sa kanilang biktima. Sa oras na makuha ang atensiyon at pulutin ng target nilang biktima ang mga baryang nahulog, dito na nagkakaroon ng pagkakataon ang mga dorobong dukutan ang bulsa ng pobreng biktima.

“Chess Gang” naman ang bansag sa mga putok sa buhong kawatan na sapilitang ginigipit at pinapataya ang mga usiserong nanonood o nakikipaglaro ng chess sa daan.

Bukod sa “Chess”, “Laglag-Barya” at “Dura Gang” laganap din sa lansangan ang mga sindikatong nagbebenta ng produkto upang makapambiktima. Estilo nila na alukin ng kanilang ibinebentang produkto tulad ng sampaguita at sinturon ang kanilang mga kostumer.

Subalit sa sandaling mahawakan na ito ng bumibili, mas malaking halaga na ang sisingilin sa kanya at bago pa man siya makaalis, agad na siyang haharangin ng iba pang miyembro ng kanilang modus.

Kaya babala ng BITAG sa ating mga kababayan na laging maging alerto at huwag agad maniniwala sa sinumang estrangherong makakasalamuha sa lansangan.

Kung hindi, baka ikaw na ang susunod na maging target ng mga dorobong miyembro ng mga modus sa daan.

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

ALAMIN

BUKOD

CHESS GANG

DURA GANG

KALAW HILLS

LAGLAG BARYA GANG

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with