^

Probinsiya

93 eksplosibo nadiskubre sa junkshop sa Sulu

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
93 eksplosibo nadiskubre sa junkshop sa Sulu
Isa-isang kinolekta ng mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Philippine Coast Guard-Jolo ang mga unexploded ordnance (UXO) na kinabibila­ngan ng mga kinakalawang na cannon, mortar shells at grenade projectiles na nakatambak sa isang junkyard sa Jolo, Sulu nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasa 93 na eksplosibo na hindi pa napapaputok kabilang ang isang 500 pound vintage bomb ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang junkshop sa Jolo, Sulu, kamakalawa.

Sa ulat, nakakolekta ang mga ordinance experts ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Sulu ng nasa 93 na eksplosibo na natagpuang nakaimbak sa isang junkyard sa ikinasang operasyon sa Barangay Alat, Jolo nitong Lunes.

Kabilang sa mga nadiskubreng eksplosibo ay mga cannon, mortar shells, fuzes at grenade projectiles, at ang 500-pound World War 2 bomb tulad ng mga ibinabagsak na bomba sa kalupaan mula sa himpapawid.

Sinabi kahapon sa mga mamamahayag ni Army Major Gen. Jose Vladimir Cagara, acting commander ng Western Mindanao Command na nakabase sa Zamboanga City, na  ang matagumpay na ordnance disposal operation ng Sulu-based PCG members, katuwang ang militar at pulisya sa lalawigan ay dahil na rin sa tips ng mga residente ng Barangay Alat hinggil sa napaka-delikadong presensya ng mga kinakalawang na bomba sa nasabing junkyard. 

Ang may-ari ng junk shop na bumibili ng mga metal scraps at iba pang recyclable wastes ay sumasailalim na sa imbestigasyon ng mga police investigators at personnel ng Army intelligence units matapos na madiskubre sa kanyang puwesto ang mga eksplosibo. Nakatakda namang i-dispose o sirain ng mga awtoridad ang mga natagpuang unexploded ordnance (UXO).

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with