^

Pang Movies

Satan bag ni Dennis, na-sold-out

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Satan bag ni Dennis, na-sold-out
Dennis Trillo
STAR / File

Medyo mahal ?din pala ang red tote bag na suot ni Dennis Trillo na may nakasulat na “Not Today Satan” ?– worth P1, 369.00. Ang balita pa, sold-out ang nasabing bag?.

Ang daming nakakita sa bag, ang daming nag-like sa post ni Dennis na may pa-shade tungkol sa ambag. Ang da­ming nagkagusto, kaya marami ang bumili.

Samantala, iwas muna si Dennis sa isyu kay Patrick Garcia? sa current events muna siya. Post nito, “Ok maiba naman tayo, check ko lang kung alert pa kayo. May question ako... anong issue ang hindi ninyo makakalimutan? (mga bagay na nangyari ngayong taon sa Pilipinas).

“Ako...billion peso Solar scam, nasaan na ang mag-ina?”

Sina Senator Loren Legarda at anak na si  Cong. Leandro Leviste. Tinotoo ni Dennis ang nabanggit na “Simula bukas, tigil na po ang bashing ok? Magmahalan na tayo ulit, past is past, magpapasko na at kawawa na ang mga bata.”

Saka, nagti-taping ng Hari ng Tondo si Dennis, kaya nasa serious mode muna siya. Rason din para hindi pa niya mabasa ang comment kung saan, napagkamalan siya ng isang netizen na si Dennis Padilla.

Wilbert, sa pelikula muna tututok

?Dahil sa nalalapit na showing ng Pee-Mak, nabago ang schedule ng concert ni Wilbert Ross sa  Cebu. Sa halip na Oct. 10, 2026, sa Nov. 14, 2026 na ang concert na para makapag-concentrate sa promo ng movie.

Nag-sorry si Wilbert sa fans at nothing to worry ito dahil naintindihan siya ng fans.

Saka, mahal ng fans si Wilbert at kahit saan ito magpunta, sinusundan ng fans.

Season 2 ng master ni Dingdong, sa streaming muna

May Season 2 ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes at streaming sa Netflix simula sa Oct. 11. Pero, sa GMA 7, last three weeks na ang Season 1, ibig sabihin, magtatapos na. Tanong ng viewers ng action series, kailan mapapanood sa GMA ang Season 2 ng action series?

Speaking of Dingdong, pumirma sila ni Piolo Pascual ng partnership with Bench. Sina Piolo at Dingdong ang kumatawan sa AKTOR PH sa contract signing “to bring the acting community a day centered on health, movement, wellness, and camaraderie.”

Magkakaroon ng Bench Active x AktorPH Hybrid Games sa Nov. 8 sa SPACE sa One Ayala. Fitness challenge raw ito at ang collab is about bringing the acting community together to move, connect, and make wellness part of the culture.

DENNIS TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with