^

Probinsiya

5 planta sa Infanta, Quezon ipinasara

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

INFANTA, QUEZON, Philippines — Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang agarang pagkansela at pagbawi sa mga business permit ng limang kum­panyang sangkot sa operasyon ng crushing plants at mobile crusher matapos mapatunayang wala silang kinakailangang Mineral Processing Permit (MPP).

Batay sa Memorandum No. 2026-393 na inilabas ni Mayor Lord Arnel “L.A.” Ruanto noong Setyembre 29, 2026, isinagawa ang kautusan kasunod ng Cease and Desist Order na may petsang Setyembre 22, 2026.

Natukoy sa imbestigasyon na may apat na crushing plants at isang mobile crusher sa hurisdiksyon ng Infanta na nagpapatakbo nang walang permit na kinakailangang MPP, alinsunod sa Section 109 ng Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995.

Kabilang sa mga tinukoy na non-compliant entities ang Reina Readymix Construction OPC, Ultrarocks Corporation, Frepa Aggregates Trading, MCDC ­Hauling Services/Gravel and Sand at Sta. Clara International Corporation.

INFANTA

MPP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with