^

Probinsiya

PCG: Tanker, nasunog; 2 tripulante sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang tripulante ang sugatan nang sumiklab ang isang sunog sa isang tanker sa Calaca City, Batangas kamakalawa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang Motor Tanker (MTKR) “GINDARA” ay may lulang mga molasses o pulot nang masunog sa Balayan Distillery Inc. Port, sa Brgy. Talisay, Calaca City.

Kaagad rumesponde ang mga awtoridad upang apulain ang apoy nang makatanggap ng ulat hinggil sa sunog na sinasabing nagsimula sa engine room ng barko.

Nabatid na 22 ang mga tripulanteng lulan ng barko ngunit pawang ligtas ang 20 sa kanila.

Masusi ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

CALACA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with