^

Probinsiya

Quezon, muling idineklarang ‘Avian Influenza free’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Muling idineklara ng Department of Agriculture (DA) na “Avian Influenza free” ang lalawigan ng Quezon.

Ang deklarasyon ay isinagawa ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel alinsunod sa Memorandum Circular No. 45, Series of 2026, na nagtatakda sa pagkilala sa Quezon Province bilang malaya sa Avian Influenza.

Ayon kay Governor Dra. Helen Tan, mahala­ga ang deklarasyong ito sa pagpapatuloy ng ligtas at maayos na produksyon at kalakalan ng mga poultry at poultry products sa lalawigan. Ipinapakita rin nito ang patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa disease surveillance, biosecurity, at iba pang programa upang mapa­natili ang kalusugan ng mga alagang hayop at maprotektahan ang kabuhayan ng mga poultry raiser.

Una nang idinekla­rang Avian Influenza-Free noong 2023 ang lalawigan sa ilalim ng naunang DA Memorandum Circular.

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with