^

Police Metro

Madre na may severe rheumatoid arthritis, muling nakalakad!

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SI Sister Briege McKenna ng Ireland ay isang Clare nun. Noong 1970, sa edad na 24, nagkaroon siya ng severe rheumatoid arthritis na naging dahilan para hindi siya makalakad.

Sabi ng mga doktor?, wala nang pag-asang mapalakad pa si Sister Briege at mananatili nang naka-wheelchair sa buong buhay nito.

Hirap na hirap sa kanyang kalagayan si Sister Briege.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang madre at positibo ang kanyang pag-iisip na diringgin ng Diyos ang kanyang kahilingan na pagagalingin siya sa kanyang dinaranas na sakit. Hindi siya pababayaan ni Panginoong Hesus.

Hanggang isang araw, habang nasa isang retreat, pabulong niyang naidasal sa harap ng Blessed Sacrament, “Hesus tulungan mo ako.”

Biglang nakadama si Sister Briege ng isang malakas na puwersa sa loob ng kanyang katawan na para siyang “saging na tinatalupan”.

Hanggang sa maramdaman ng madre na nawala ang pananakit ng kanyang mga paa na may arthritis.

Magaling na siya! Nawalang parang bula ang arthritis na matagal na panahong nagbigay sa kanya ng sakit!

Isang himala ang nangyari sa kanya!

Mula noon, ginugol ni Sister Briege ang panahon sa pagbibigay ng retreat at Eucharistic healing services at pagtuturo sa mga tao sa tunay na presensiya ni Hesus sa Blessed Sacrament. Sa loob ng 50 taon, ma?ami nang bansa ang napuntahan niya at nagpapatotoo sa himalang ginawa sa kanya ni Panginoong Hesus.

Ang nangyari kay Sister Briege ay nagpapatunay na si Hesus ay handang magpagaling sa mga taong lumalapit sa Kanya.

HIMALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with