^

Pang Movies

Lakambini, nakabayad na ng piyansa

Salve V. Asis - Pang-masa
Lakambini, nakabayad na ng piyansa
Lakambini

MANILA, Philippines — Mabuti naman at nakalaya na mula sa Quezon City Jail si Lakambini Chiu, ang kapatid ng aktres at host na si Kim Chiu, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa interview ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera sa GMA Online News, lumabas pala si Lakam sa QC Jail noong hapon ng Huwebes.

Samantala, sinabi sa isang panayam ng abogado ni Lakam na si Atty. Dominic Solis na naghain ng plea na “not guilty” ang kanyang kliyente sa mga kinakaharap na kaso. “Nagpahayag ang aming kliyente ng ‘not guilty’ sa mga kasong qualified theft sa pamamagitan ng video conferencing,” sabi ng abogado.

“Maayos naman ang kalagayan ng aming kliyente sa kabila ng mga pangyayari,” sabi pa nito sa mga lumabas na interview.

Maaalalang naaresto si Lakam noong hapon ng Linggo sa Mandaluyong City dahil sa warrant of arrest para sa 124 na bilang ng qualified theft. Dinakip siya ng mga pulis-Kamuning bandang 4:06 p.m. sa isang parking area sa kahabaan ng Saint Francis St., Barangay Wack Wack.

Ang warrant, na inilabas ng Quezon City RTC Branch 24, ay nagtakda ng piyansa na nagkakahalaga ng P5.838 milyon.

Naghain ng reklamo si Kim Chiu laban sa kanyang ate noong December 2025 matapos matuklasan ang mga umano’y iregularidad sa kanilang negosyo.

Anyway, grabe raw talaga ang naging anxiety ni Lakambini sa buong process ng mga pangyayari. Halos hindi raw ito makausap.

Sabagay kahit naman sino siguro ang nasa ganu’ng posisyon. ‘Yung kinasuhan ka ng kapatid mo na tinulungan mo sa kanyang career.

Sa ngayon daw ay grateful si Lakambini na laya na siya at sana raw ay maging normal na kahit paano ng normality ang kanyang buhay ayon sa isang malapit dito.

At least daw, hindi na ito matatakot katulad nung arestuhin ito.

LAKAMBINI CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with