^

Probinsiya

3 bata tepok sa dengue sa Negros

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong batang lalaki ang iniulat na nasawi matapos tamaan ng sakit na dengue sa Bacolod City at Silay City; pawang sa Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng mga batang lalaki, dalawang 8-anyos, at isang 11-anyos.

Ayon sa Western Visayas Health Office, sa Silay City ay isang 11-anyos na bata ang namatay sa Teresita Jalandoni Provincial Hospital dahil sa dengue mula sa Yolanda Housing Settlement sa Brgy. E. Lopez ng nasabing lungsod.

Dalawa namang 8-anyos na batang lalaki ang nasawi sa dengue sa lungsod ng Bacolod.

Samantala, tumaas ang mga kaso ng dengue sa Silay City na nasa 52 kaso noong Hulyo at naitala naman sa 94 kaso nitong Agosto o nasa mahigit 80 % na pagtaas.

Ang dengue ay mula sa kagat ng lamok na nagtataglay ng virus na nakamamatay. Kabilang sa sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pananakit ng katawan, matinding sakit ng ulo at tiyan, pagsusuka, pagdurugo ng ilong, at iba pa.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with