^

Probinsiya

Pambobomba sa BARMM elections, silat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasilat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at tropa ng militar ang planong pagpapasabog upang mabulabog ang pagdaraos ng makasaysayang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) kasunod ng pagkakarekober ng isang improvised explosive device (IED) sa Lamitan City, Basilan nitong Lunes.

Sa report ng Lamitan City Police, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang marekober ang nasabing bomba ng mga tauhan ng Lamitan City Police at Army’s 112th Division ng Reconnaissance Company sa nasabing lungsod.

 Ang bomba ay na­rekober, ilang oras bago ang pagbubukas ng polling precints sa lungsod kung saan maaga pa lamang ay sumugod na ang mga botante para magpartisipa sa eleksiyon.

Agad nagsagawa ang Provincial Explosive Ordinance Disposal at Canine Unit personnel ng pag-detonate sa narekober na bomba dakong alas-3:30 ng madaling araw. Ang IED ay may blasting cap, isan bar ng Trinitrotoluende (TNT), cellular phone keyoad, 9 volt battery terminal, 3 inches ng konkretong pako, plastic receptacle at mga wires.

ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with