^

Pang Movies

John, galit na sa nangyayari sa bayan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John, galit na sa nangyayari sa bayan!
John Arcilla
STAR / File

Hindi na naman nakapagpigil si John Arcilla dahil sa malawakang pagbaha na nangyari sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at bumira na naman siya sa ating gobyerno.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo ay galit na galit ang veteran actor. Ibinahagi niya ang isang larawan kung saan ay makikitang nakalusong sa baha ang ilang tao.

“Hanggang ngayon hindi pa alam ng mas MARAMING OPISYAL ng BAYAN ang totoong RESPONSIBILIDAD nila sa MAMAMAYAN,” sey ni John na halatang iritado.

“Ang KAMALAYAN NILA AT NATING LAHAT sa pagiging opisyal ay PRIBILEHIYO at ENTITLEMENT, ang mamamayan naman ay mga ALIPIN. PANAHON PA NI KRISTO WINAWASAK NA NIYA ANG KALAKARANG ITO,” patuloy niya.

Mensahe pa niya sa madlang people, “Ano na kababayan? Idol pa more?”

Isa ang aktor sa celebrities na very vocal sa paglalabas ng kanyang sentimyento at saloobin sa ating gobyerno gayundin sa iba pang nagaganap na problema sa bansa.

TJ, kaya nang ipatayo ang dream house nila ni KZ!

Hindi inakala ni TJ Monterde na bobongga nang husto ang kanyang career at darating ang pagkakataon na makakabili siya ng lote para pagtayuan ng dream house nila ng misis na si KZ Tandingan.

Ibinahagi ng singer-songwriter na niregaluhan niya ng lote ang kanyang wifey na hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa niya dahil three years ago lang ay wala siyang pera, walang career at ang asawa niya ang nagpo-provide ng halos lahat ng kanilang pangangailangan.

Sa panayam niya sa I-Listen ni Kara David, ikinuwento niya ang struggles at hirap na dinaanan niya sa kanyang music career.

Noong time na wala siya halos kinikita, ang ta­nging naise-share lang daw niya sa kanilang bahay ay pambayad ng tubig at kuryente.

Nagdasal daw siya at tinanong si Lord ng “hanggang tubig at kuryente na lang ba ako?”

Pero bigla ngang nag-hit ang kanta niyang Palagi and since then ay nagtuluy-tuloy na ang pagbongga ng kanyang career. “And just last month, I gifted her (KZ) our dream lot where we will put up our dream home,” proud niyang sabi.

“Kaya I’m sharing this story because I want to encourage people also na that’s just three years. And ‘pag time na sinabi ni Lord na ‘this is your time, this is for you,’ mabilis ‘yun,” dagdag niya.

“Can you imagine that? Three years ago, as in I was crying to God, na ‘hanggang dito na lang po ba talaga?’ And ngayon, never did I imagine na kaya kong bilhin ‘yung lupang ‘yun sa dream place namin at itatayo namin ‘yung dream home namin,” lahad ni TJ.

“And pramis ko sa kanya, ako magpapatayo ng dream home na ‘yun para sa kanya,” dagdag pa ng singer-songwriter.

JOHN ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with