^

Probinsiya

29 dating PDL tumanggap ng P31-K ayuda

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines —Umabot sa 29 na dating persons deprived of liberty (PDLs) kabilang ang anim katao mula sa informal sector ang tumanggap ng P31,000 bawat isa mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), kamakalawa.

Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P31,000, o may kabuuan na P1 milyon sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Pinangunahan nina Governor Jose Gambito at DOLE Nueva Vizcaya Provincial Director Elizabeth Martinez ang pamamahagi sa nasabing ayuda sa mga dating preso.

Ayon kay Gov. Gambito, ang nasabing livelihood package ay ibinigay sa dating mga bilanggo para makapagsimula sila ng munting mapagkakitaan at magkaroon ng marangal na kabuhayan.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na kagamitan at materyales para sa mga benepisyaryo ay ang electrical services, food processing, sari-sari store, welding, carpentry, poultry raising, baking, at iba pang maliliit na pangnegosyo.

PDL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with