^

Probinsiya

Kelot tinangay sa ilog, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, QUEZON, Philippines — Patay ang isang 47 anyos na lalaki matapos na tangayin nang malakas na agos ng ilog habang lumalangoy patungo sa kabilang pampang upang iligtas ang kanyang mga alagang hayop sa Barangay Sampaloc 2 sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Armando Albitos, residente ng Purok 7, Barangay Sampaloc Bogon, Sariaya.

Batay sa imbestigas­yon, umalis ang biktima sa kanilang bahay bandang alas-4:00 ng hapon upang puntahan at iligtas ang kanyang mga alagang baka na nasa kabilang bahagi ng ilog.

Hindi na umano nakauwi ang biktima at kalaunan ay natag­puan sa ilog ng Barangay Sampaloc 2, na pinaniniwalaang tinangay nang malakas na agos habang tumatawid sa pamamagitan ng paglangoy. 

 Dinala ang labi ng biktima sa Funeral Parlor sa Barangay Sampaloc 2 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. 

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with