^

Probinsiya

5 terorista todas sa engkuwentro!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
5 terorista todas sa engkuwentro!
Naghigpit ng seguridad ang mga units ng 6th Infantry Division ng Philippine Army (PA) bilang paghahanda sa posibleng paghihiganti ng mga nalalabing Dawlah Islamiya terrorists kaug- nay ng pag- kakapatay sa lima nilang mga nakaengkwentro na naganap sa Pikit, Cotabato nitong Huwebes.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines — Limang kasapi ng Dawlah Islamiya ang napatay ng mga sundalo at pulis sa isang engkuwentro sa Barangay Inug-ug, Pikit, Cotabato nitong Huwebes ng hapon.

Magkahiwalay na kinumpirma ng mga local executives sa probinsya, ng mga officials ng 602nd Infantry Brigade, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Cotabato Provincial Police Office ang pagkasawi ng sinasabing terorista na kinilalang sina Marhum Sendig Esmael, Halim Sansawi Usman, Ali Usman Manduh, Rasul Bundas Tito at Bebeh Ayunan Camsa, na nalalabing mga miyembro ng nabuwag na Dawlah Islamiya.

Ang limang napatay ay wanted sa multiple murder, multiple frustrated murder, extortion, armed robbery, arson, at trafficking of narcotics na nakabinbin sa iba’t ibang korte ng Cotabato City, Cotabato, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat.

Sina Esmal at Usman ay parehong wanted sa sa pag-ambush sa isang police patrol team sa Shariff Aguak nitong March 28 kung saan limang pulis ang nasawi at tatlong iba pa ang sugatan.

Ayon ay Major Gen. Jose Vladimir Cagara, acting commander ng Western Mindanao Command, tinungo ng magkasanib na mga operatiba ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at tropa ng 40th Infantry Battalion at 602nd Infantry Brigade ang hideout ng mga suspek sa Barangay Inug-ug, Pikit upang isilbi ang warrants of arrest pero sinalubong sila ng pagpapaulan ng bala ng assault rifles ng mga suspek sanhi ng engkuwentro na ikinasawi ng mga suspek.

Narekober sa tabi ng mga bangkay ang isang combat rifle ni Patrolman Apollo Pagurayan na unang na-ambush kasama si Patrolman Joerel Basilan Bullos, nitong Hulyo 7 sa Brgy. Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat.

DAWLAH ISLAMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with