Occidental Mindoro niyanig ng M5.4 na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Oriental Mindoro kahapon Biyernes,August 7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-10:38 ng umaga tumama ang lindol na ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 014 kilometro ng timog kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Ang lindol ay tectonic ang pinagmulan at umaabot sa 014 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol.
Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Mamburao, Occidental Mindoro, City of Calapan, Naujan, Puerto Galera, San Teodoro, Victoria, at Oriental Mindoro. Intensity 4 sa Taal, Batangas, Abra De Ilog, Sablayan, Occidental Mindoro, at Intensity 3 sa Quezon City, Batangas City, Batangas, City of General Trias, Cavite, at San Pedro City Laguna, at Intensity 2 naman sa Parañaque City, Santa Cruz, Laguna, at Guinayangan, Quezon province.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftreshocks, pero wala namang pinsala na naiulat dahil sumentro ang lindol sa karagatan. Wala namang naipalabas na tsunami alert ang naturang ahensiya.
- Latest
















