^

Probinsiya

Bodega ni-raid: P700 milyong pekeng sapatos nakumpiska!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bodega ni-raid: P700 milyong pekeng sapatos nakumpiska!
Ang kahun-kahon ng mga pekeng sapatos na nagkakahalaga ng P700 milyon nang masamsam sa isang malaking bodega sa isinagawang pagsalakay ng PNP-CIDG at iba pang ahensya sa Brgy. Alapan 2- A, Imus City, Cavite nitong Martes
Cristina Go-Timbang

CAVITE, Philippines — Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang bodega na naglalaman ng nasa P700 milyong halaga ng pekeng sapatos sa lungsod ng Imus, kamakalawa.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs, Cavite Police Provincial Office, Cavite Maritime Group, at Philippine Coast Guard, ang isinagawang pagsalakay sa malaking bodega sa Brgy. Alapan 2- A, Imus City, Cavite, ito ay matapos makatanggap ng intelligence report ang pulisya hinggil sa umano’y ilegal na pagpasok at pag-iimbak ng mga imported na produkto.

Bitbit ng grupo kasama ang mga Units ng Intel-lectual Property Rights Division (IPRD), Customs Intelligence and Investigation Service, PNP- CIDG at PNP Imus Police, ang Letter of Authority (LOA) nang kanilang pasukin ang nasabing bodega dahil sa umano’y paglabag sa batas ng customs at intellectual Property.

Bumulaga sa loob ng bodega ang kahun-kahong at libu-libong pares ng mga iba’t ibang klase ng sapatos na may tatak pang Adidas, On Cloud, New Ba­lance, Asics, Crocs, Nike, Jordan, Puma, Converse, Skechers, at Louis Vuitton na sinasabing mga peke. 

Iginiit ng mga awtoridad na ang kampanya laban sa smuggling ay layong maprotektahan ang ekonomiya, suportahan ang mga lehitimong negosyo, at mapangalagaan ang interes ng publiko. Wala naman nahuling suspek sa nasabing pagsalakay. 

Laking pasalamat ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa CIDG at pulisya sa mabilis na aksyon.

SAPATOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with