^

Probinsiya

Sarangani niyugyog ng magnitude 6.4 na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Saranggani nitong Miyerkules.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-12:14 ng hapon nang tumama ang lindol na ang setro ay naitala sa 037 kilometro ng timog kanluran ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang ugat ng lindol at nasa 013 kilometro ng lupa ang lalim ng naturang lindol.

Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity V sa Glan, Saranggani; Intensity IV sa Kiamba, Saranggani, General Santos City, Malungon, Alabel, Saranggani, Tupi, at Polomolok, South Cotabato.

Intensity III naman sa Maasim, Maitum, Malapatan, Saranggani, Lake Sebu, at Tampakan, Soutj Cotabato, at Intensity II sa Koronadal City, Banga, Surallah, South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks, pero walang naiulat na pinsala dahil sa katubigan higit tumama ang pagya­nig. Wala ring ipinalabas na tsunami alert ang ahensya kaugnay ng naganap na lindol.

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with