^

Probinsiya

21 mangingisda sa Quezon huli sa ‘Buli-Buli’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
21 mangingisda sa Quezon huli sa ‘Buli-Buli’
Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea buhat sa Polillo Municipal Police Station sa pamumuno ni Officer-in-Charge Police Captain Jojo Pangilinan, nagsagawa ng magkasanib na operasyon ang pulisya at Bantay Dagat at naharang nila ang isang komersyal na bangkang pangisda na walang rehistro, opisyal na marka, at kulay abo at kahel habang lulan ang mangingisda.
STAR/ File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang 21 katao matapos mahuling nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang ipinagbabawal na “Buli-Buli” o modified Danish seine sa karagatang sakop ng Balesin Island sa municipal waters ng Polillo, Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea buhat sa Polillo Municipal Police Station sa pamumuno ni Officer-in-Charge Police Captain Jojo Pangilinan, nagsagawa ng magkasanib na operasyon ang pulisya at Bantay Dagat at naharang nila ang isang komersyal na bangkang pangisda na walang rehistro, opisyal na marka, at kulay abo at kahel habang lulan ang mangingisda.

Nahaharap ang kapitan ng bangka na si Micheal Ebañes Madera at master fisherman na si Elezar Alerta Tero sa ilang kasong paglabag sa Republic Act No. 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998, na inamyendahan ng Republic Act No. 10654.

Dahil wala ring re­histro at opisyal na pagkakakilanlan ang bangka, maaari ring maharap ang may-ari nito sa karagdagang administratibo at legal na pananagutan mula sa Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa paglabag sa mga regulasyon sa pagpaparehistro at kaligtasan ng sasakyang pandagat.

Samantala, ang 19 na tripulante ay sinita dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 196-2025 ng Polillo na nagtatakda ng mga patakaran sa pangingisda sa municipal waters.

Tinatayang aabot sa P3.65 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with