Sen. Joel kumonsulta sa mga alkalde ng Bulacan
BALIWAG CITY, Bulacan , Philippines — Nakipagpulong si Senador Joel Villanueva sa mga alkalde ng iba’t ibang lungsod at bayan sa Bulacan nitong Biyernes bilang bahagi ng kanyang konsultasyon upang matukoy ang mga pangunahing pangangailangan at suliranin ng lalawigan bago ang pagtalakay ng Senado sa panukalang 2027 national budget.
Sa ginanap na pulong sa Lungsod ng Baliwag, inilahad ng mga lokal na opisyal ang iba’t ibang isyung kinahaharap ng kanilang mga nasasakupan, kabilang ang kakulangan sa suplay ng tubig na itinuturing na isa sa mga pinakamabigat na suliranin sa lalawigan.
Kasabay ng kanyang pagbisita sa Baliwag, pinangunahan din ng senador ang pormal na pamamahagi ng mahigit 2,000 food packs para sa mga residente.
Bumisita rin si Villanueva sa mga bayan ng Guiguinto at Marilao upang alamin ang iba pang pangangailangan ng mga komunidad, kasabay ng pagsasagawa ng mga programang ayuda at pagsasanay sa kabuhayan.
- Latest

















