^

Probinsiya

Babaeng amo inutas ng caretaker!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Babaeng amo inutas ng caretaker!
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rhenz Elieth Barette Bruzon, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na siya nitong ikinamatay.
STAR / File

Sahod kinaltasan

MANILA, Philippines — Dahil lamang umano sa pagtatalo sa suweldo, pinagbabaril ang isang 32-anyos na ginang ng kaniyang caretaker sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rhenz Elieth Barette Bruzon, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na siya nitong ikinamatay.

Nakilala naman ang suspect na katiwala ng ginang sa pag-aari ­nitong bahay sa pangalang Leo, 42-anyos, na nahaharap sa kasong homicide.

Sa imbestigasyon, kinompronta ng katiwala ang amo dahil sa maliit umano nitong suweldo na kinaltasan pa dahil sa kaniyang pagliban sa trabaho sa kabila ng may mabigat naman siyang dahilan sa isyu ng kaniyang pamilya.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng among babae at katiwala hanggang sa kumuha umano ng martilyo ang amo at pinukpok nito ang huli na tinamaan sa katawan.

Sa matinding galit ay kinuha naman ng caretaker ang baril na pag-aari ng asawa ng ginang at pinagbabaril ang amo.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival.

Nasakote ng mga awtoridad ang suspect sa follow-up operation at nakumpiska rito ang isang cal. 45 pistol na may dalawang magazine at mga bala.

BATANGAS

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with