^

Probinsiya

3 ‘salisi’ ng retired OFW, arestado

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ng pulisya ang tatlong hinihinalang miyembro ng “Salisi Gang” na bumiktima ng isang retiradong overseas Filipino worker (OFW) sa Brgy. Biga 2, bayan ng Silang, dito, kama­kalawa

Kinilala ni PLt. Col. Joseph Macatangay, hepe ng Silang Police, ang mga suspek sa mga alyas na Leo, 26; Edrey, 24 at Cholo, menor-de-edad; pawang ng Brgy. BF International Village, CAA, Las Piñas City.

Base sa ulat, alas-10:30 ng umaga ng Hulyo 28, nagtungo ang isang senior citizen at retiradong OFW, na taga-Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City sa isang grocery store sa Brgy Biga 2 Silang. Ipinark nito ang kaniyang sasakyan sa parking area nang lapitan siya ng tatlong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Dalawa sa mga suspek ang kumausap sa biktima at nagkunwaring may tinatanong habang ang isang suspek ay umikot sa kabilang bahagi ng pinto ng kotse ng biktima at binuksan ito saka mabilis na kinuha ang isang Louis Vuitton bag na naglalaman ng isang Huawei Android cellular phone, mahahalagang identification cards, Cash na P45,000, at iba pang personal na dokumento ng biktima, saka nagsitakas.

Sa follow-up operation ng SWAT team Silang Police, unang naaresto ang isa sa mga suspek na si alyas “Leo” sa Brgy Tubuan 2 at narekober dito ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng mga bala.

Sumunod na nadakip ng Mobile Patrol 02, ang dalawa pang suspek sa Brgy Buho at narekober sa kanilang pag-iingat ang tinangay na Louis Vuitton bag at ibang mga laman.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with