^

Probinsiya

Babaeng IP activist absuwelto sa ‘terror financing’

Artemio A.Dumlao - Pilipino Star Ngayon

URDANETA CITY, Pangasinan, Philippines — Pinawalang-sala ng ­korte dito sa lungsod ang indigenous ­peoples’ (IP) rights activist na si Sarah Abelon Alikes sa “terrorism financing” matapos na mabigo ang prosekusyon na patunayan ang isinampang kaso laban sa kanya.

Sa June 23, 2026 resolution na tinanggap nitong Hulyo 26, na-grant o inayunan Regional Trial Court Branch 73 ang “demurrer to evidence” ni Alikes at dinismis ang kasong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.

Lumalabas sa ruling ng korte na nabigo ang mga prosecutors na magpakita ng ebidensya na ang respondent na si Alikes ay nagbigay ng pera, aria-arian o ano mang uri ng suporta para sa terrorist activities.

Sinabi pa sa resolusyon na maging ang mga police witnesses ay bigong magprisinta ng direktang ebidensya na nagsasangkot kay Alikes sa naturang paglabag sa batas.

Nabatid na ang nasabing kaso ay isa lang sa mga isinampa laban kay Alikes ng mga nagdaang taon. Noong 2023, na-tagged ng Anti-Terrorism Council si Alikes at tatlong iba pang Cordillera Peoples Alliance (CPA) leaders bilang mga terrorist individuals, na sanhi upang ma-freeze ang kanilang mga bank accounts.

Naharap din si Alikes ng kasong rebelyon sa Abra, na naibasura noong 2023.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with