Bulkang Mayon nagbuga muli ng lava - Phivolcs
MANILA, Philippines — Nagbuga ulit ng lava ang Bulkang Mayon sa Bicol sa loob ng nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagbuga ng lava sa bulkan ay naitala sa may Basud, Bonga at Mi-isi gullies kasabay ng naitalang isang volcanic earthquake at 16 na rockfall events.
Ayon sa Phivolcs, nagluwa rin ang bulkan ng 2,630 tonelada ng asupre at may katamtamang pagsingaw na napadpad sa silangan-hilagang-silangan at may pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan
Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa anim na kilometrong radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang uri ng aircraft sa ibabaw ng bulkan dahil sa inaasahang pagguho ng bato, pagtilapon ng mga tipak ng lava o bato, pagdaloy ng lava, uson, katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan sa paligid ng bulkan
Ang Mayon volcano ay nananatili sa Alert level 3 na ibig sabihin ay may mataas na aktibidad ang bulkan.
- Latest
















