Pekeng shabu nasabat
BAGUIO CITY, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR), si Jayson Bustarde Sumera, 43, alyas “Son,” sa isinagawang operasyon sa City Camp Road noong Martes. Narekober mula sa kanya ang isang sachet na naglalaman umano ng humigit-kumulang 4.9 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, cellphone, at iba pang ebidensya.
Subalit ayon sa forensic examination ng NBI, negatibo sa methamphetamine hydrochloride o shabu ang nakumpiskang mala-kristal na substansya. Patuloy pang sinusuri ng mga awtoridad ang tunay na komposisyon nito.
Gayunman, lumabas sa ultraviolet examination na may bakas umano ng buy-bust money sa mga kamay ni Sumera, habang nagpositibo naman siya sa methamphetamine sa isinagawang drug test.
- Latest
















