Rider nag-overtake, patay; angkas bali binti

MANILA, Philippines — Patay ang isang 22-anyos na rider nang masagi ng isa pang motorsiklo na kanyang inunahan, na nagresulta sa pagkabali ng binti ng kanyang angkas habang sugatan din ang isa pang rider, sa Binangonan, Rizal, madaling araw ng Martes.
Dead-on-arrival sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital ang rider na kinilalang si alyas “John”, taga-Binangonan, at wasak din ang Yamaha Mio motorcycle na kanyang minaneho habang ang angkas na si alyas “Ely” ay inilipat sa Philippine Orthopedic Hospital sa Quezon City dahil sa tinamong bali sa binti.
Nilalapatan naman ng lunas ang rider ng Honda Click na si alyas “Jeff,” 25 anyos, carwash boy, dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan.
Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Hulyo 21, nang maganap ang insidente sa Manila East Road, sa Brgy. Batingan. Nasa unahan umano ang Honda Click nang mag-overtake ang humahagibis na Yamaha Mio at dahil sa kapwa tumatakbo sa isang direksyon, nasagi nito ang una na naging dahilan para kapwa mawalan ng kontrol at balanse kaya dumausdos hanggang sa mawasak. Tumilapon ang dalawang rider at angkas sa kalsada na sinaklolohan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Binangonan, Rizal.
- Latest















