^

Probinsiya

Retiradong parak timbog sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Retiradong parak timbog sa droga
Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dange­rous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si “Staff Sgt.Edward”, 45-anyos, residente ng naturang lugar at itinutu­ring na high value individual.
STAR/File

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang retiradong pulis matapos na maaresto ng mga dating kabaro sa inilatag na buy-bust ope­ration sa Brgy. San Francisco, Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dange­rous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si “Staff Sgt.Edward”, 45-anyos, residente ng naturang lugar at itinutu­ring na high value individual.

Sa ulat, matagal na minanmanan ng mga dating kabarong pulis si Staff Sgt. Edward dahil sa natanggap na intelligence report hinggil sa pagkakasangkot nito sa iligal na kalakaran ng droga. Nang makumpirma, dakong alas-8:45 ng gabi ay agad inilatag ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Special Operation Unit 5, PNP Drug Enforcement Group, PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group at Iriga City Police.

Mabilis na inaresto ang suspek makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga. Nabawi mula sa kanya ang 5 piraso ng plastic sachet ng shabu, na tumitimbang ng 9.6 gramo at nagkakahalaga ng P65,280.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with