Audition ni Atasha, may resibo!

PETA nagsalita
Grabe ang mga basher. Ayaw tigilan si Atasha Muhlach.
Ang daming hanash na dinaan daw sa palakasan kaya naibigay kay Atasha ang role na Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day: The Musical na mapapanood sa Newport Performing Arts Theater starting September.
Kesyo kawawa naman daw ang ibang mga pumila.
Actually parang scripted ang mga bashing kay Atasha. May pattern kasi ang mga sinasabi nila.
Pero may resibo ang audition ni Atasha. Kasama niya pa ang lola Elvie Gonzales niya sa nasabing audition kaya ‘wag gawan ng intriga. Si Elvie Gonzales ang nanay ng mommy ni Atasha na si Charlene Gonzales.
Saka nagsalita na si Melvin Lee, PETA President and PETA Plus Program Director, para patotohanan ito. “Atasha delivered a strong audition, showcasing solid singing, dancing, and stage presence,” umpisa ni Melvin sa kanyang statement.
Dagdag niya pa: “She displayed natural chemistry with the male actors and blended seamlessly with the ensemble of triple-threat theater performers. More importantly, she brought the charisma, warmth, and panache needed for Annie Batungbakal, with the charm and look to convincingly lead the production.”
At idiniin niya na pinatunayan ni Atasha na siya ang karapat-dapat na gumanap sa nasabing character. “Overall, she proved to be a strong choice for the role.”
Nagpasampol na si Atasha bilang bida sa Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Musical noong isang araw sa ginanap na media launching nito three days ago.
Follow-up project ito ng Newport World Resorts, VIVA Communications and The Philippine STAR sa matagumpay na Bagets The Musical.
At kasama ni Atasha na bibida rito sina Sam Concepcion, KD Estrada, Jeff Moses and Anthony Rosaldo.
Mahigit 300 auditionees ang nakasabay ni Atasha ayon mismo sa taga-PETA.
At naging motivation ng isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene ay nung napanood niya ang Bagets The Musical na ang isa sa mga bida ang kakambal niyang si Andres. “I started texting all my dance workshops, acting coaches, and singing coaches the moment I heard auditions were open,” sabi pa ni Atasha sa naunang interview namin.
Alam daw niyang hindi ‘yun madali. “It motivates me because it’s so nice to see my brother, of course, performing on the stage and seeing him do something that he’s never done before, stepping out of his comfort zone. And as a sister, that’s such a proud moment kasi nakita ko lahat ng mga hard work na ginawa ng buong cast ng Bagets.”
Pero ano nga ba ang nakita nila kay Atasha para gumanap na Annie Batungbakal? “‘Yung charm, ‘yung cuteness ng Annie character, she has it. Nung nakita namin siya, hindi na kami nahirapan piliin agad siya. Nag-stand out talaga siya, si Atasha, from the whole crowd,” paliwanag pa ng PETA representative na nagpa-audition sa buong cast ng Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
- Latest


























