Banta ni VP Sara kay Marcos Jr., pasok sa high crimes atbp
MANILA, Philippines — Pasok ang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa high crimes, culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at iba pa kahit na walang kontrata o assassin.
Ito ang binigyang diin ni House prosecutor at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora dahilan sentro na ng paglilitis sa Senate Impeachment Court ang “assassination threat” ni VP Sara laban kay Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.
Ginawa ni Zamora ang pahayag bilang reaksiyon sa sinabi ni Atty. Michael Wesley Poa, spokesperson ng defense team at isa sa mga counsel ni VP Sara na hindi naman umano napatunayan na may kontrata sa assassin ang huli.
Iginiit naman ni Zamora na mismong si VP Sara na ang nagsabi sa kaniyang video clips na hindi umano siya nagbibiro sa pagkontrata sa assassin.
Inihayag naman ni trial adviser at Spokesman Robert Ace Barbers, dating kinatawan ng Surigao del Norte na dinismis ang argumento ng kawalan ng kontrata ni VP Duterte at ng assassin.
Idinagdag pa ni Zamora na sa legal na panuntunan ang anumang kontrata ay walang bisa dahilan illegal ang gagawin.
- Latest
















