^

Probinsiya

120 metal detector sa 54 iskul sa Malolos inilarga

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Seguridad ng mga estudyante pinaigting

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag?aaral, nagbigay ang pamahalaang lungsod ng Malolos ng kabuuang 120 pirasong metal detector para sa 54 na paaralan sa nasabing lungsod.

Kauna-unahan sa lalawigan ng Bulacan ang ginawang hakbang ng pamahalaang lungsod na mamahagi ng mga metal detector upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Christian Natividad, layunin nitong magkaroon ng kapanatagan ang mga mag?aaral at magulang habang sila ay nasa loob ng silid aralan.

Isinagawa ang pamamahagi ng metal detector sa mga iskula sa lungsod matapos ang marahas na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban na ikinasawi ng apata na estudyante at nakasugat ng marami pa.

Unang nakatanggap ng tig?anim na kagamitan ang Marcelo H. del Pilar High School at City of Malolos Integrated School-Sto. Rosario habang tig?apat na metal detector ang CMIS?Catmon at Barasoain Memorial Integrated School.

Tiniyak naman ni PCol. Jay Baybayan, acting Bulacan police director na mananatiling alerto ang mga awtoridad para sa seguridad at kaligtasan ng lahat ng mag?aaral.

CHRISTIAN NATIVIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with