2 lalaki nagbarilan: Bystander nasapol ng bala
CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang mister makaraang masapol ng ligaw na bala mula sa dalawang lalaki na nagduwelo at magbarilan sa lugar kamakalawa ng hapon sa Tropical Village Pabahay, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.
Kasalukuyan inilipat ng pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas “Rick”, nasa hustong gulang, residente ng lugar.
Nakilala naman ang tumakas na mga suspek na sina alyas “Man” at “Dats”, kapwa residente rin ng lugar.
Base sa ulat, alas 5:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Section C Blk 2 Tropical Village kung saan nagtatalo umano ang dalawang lalaki na nauwi pa kanilang suntukan hanggang sa sila ay magkabarilan na.
Kasalukuyan namang naglalakad sa lugar ang biktima nang bigla siyang mahagip ng bala mula sa isa sa mga suspek na nakikipagpalitan ng putok ng baril.
Duguang tumimbuwang ang biktima habang mabilis na nagpulasan ang mga suspek.
- Latest



















