^

Probinsiya

Illegal refilling ng LPG sa Laguna ni-raid, 2 arestado

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Illegal refilling ng LPG sa Laguna ni-raid, 2 arestado
Base sa ulat, isang operasyon ang ikinasa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A sa isang planta na hindi awtorisadong nagbebenta at nagre-refill ng mga tangke ng LPG. Ginagamit pa nito umano ang mga rehistradong trademark nang walang pahintulot.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines — Timbog ang dalawang indibidwal matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang ilegal na refilling plant ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Barangay San Ignacio, San Pablo Laguna noong Huwebes.

Base sa ulat, isang operasyon ang ikinasa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A sa isang planta na hindi awtorisadong nagbebenta at nagre-refill ng mga tangke ng LPG. Ginagamit pa nito umano ang mga rehistradong trademark nang walang pahintulot.

Nasamsam sa operasyon iba’t ibang tangke ng LPG (may laman at walang laman), mga refilling machine, timbangan at isang trailer tractor truck na may lamang 19 na tonelada ng LPG na aabot sa kabuuang halagang ?8.2 milyong piso.

Dinala na ang mga suspek at ang mga nasamsam na ebidensya sa CIDG para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Samantala, pinuri ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang operating unit sa mabilis at koordinadong aksyon nito. Binigyang-diin nito na ang hakbang na ito ay bahagi ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang proteksyon sa mga mamimili at sugpuin ang mga ilegal na kalakalan sa bansa.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with