^

Probinsiya

Big-time shabu dealer timbog sa mall

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga anti-narcotics agents ang isang big-time shabu dealer sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang kilalang shopping mall sa Barangay San Pedro, Pagadian City nitong Huwebes.

Ang lalaking suspek na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ay nasa kustodya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-9. Siya ay kilala umano sa pagiging matagal nang shabu at marijuana dealer, na ang anim nitong kasamahan ay unang nadakip sa magkakahiwalay na drug operations ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region sa mga probinsya ng Lanao del Sur at Maguindanao del Norte, at Cotabato City sa Cotabato.

Ayon kay Bryan Babang, director ng PDEA 9, agad na inaresto ang suspek matapos na magbenta sa mga undercover agents ng nasa 600 grams ng shabu, costing P4 million, sa isinagawang tradeoff sa loob ng isang malaking mall sa Barangay San Pedro, Pagadian City.

Sinabi rin ng mga ranking officials ng PRO-BAR, makailang ulit nang natatakasan ng suspek ang mga awtoridad sa tangkang pag-aresto sa kanya sa entrapment operations sa Maguindanao del Sur at Cotabato City ng nakalipas na taon.

Anim sa mga kasamahan ng suspek mula sa Maguindanao del Norte at Cotabato City, dalawa rito ang babae, ay naaresto sa magkahiwalay na drug operations sa sa dalawang lugar sa loob ng nagdaang 14-buwan.

PAGADIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with